Advertisers
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa mga motorcycle rider ang pagpapalagay ng mga barrier sa motorsiklo para sa kanilang angkas na asawa.
Hindi kasi lubos maisip ng ilang mga nagmomotorsiklo kung saan at kanino nila nakuha ang ganitong estilo para maisakay ang pasaherong asawa o live-in partner.
Kahit ilang beses ng pinanawagan ng grupo ng mga riders maging ng ilang eksperto sa motorsiklo na mas magiging delikado sa driver at pasahero nito kung lalagyan ng barrier ang motorsiklo, deadma lang ang ahensya ng gobyerno.
May mga katanungan tuloy ang mga kababayan nating nagmomotorsiklo, kung ang prototype motorcycle barrier ba na gusto gayahin ehh nakadisenyo ba talaga para sa mga asawa?
Mukhang hindi umano kasi para sa mga mag-asawang magkaangkas ang disenyo ng barrier na gustong ipilit ng gobyerno para sa kanila, mukhang nakadisenyo umano ito sa isang pampublikong sasakyan gaya ng habal-habal sa probinsya.
Maihahalintulad sa rapid test kit para sa covid-19 virus, na kahit di umano accurate katulad ng swab test kit ay pinayagan makalabas sa bansa dahil umano sa isang kashunduan.
Bulong-bulongan na kasi ng mga tsismosong intsik na kapitbahay, na marami ang nagne-negatibo sa rapid test pero pagdating sa swab test ay positibo.
Alam naman natin kung bakit napayagan lumabas yan, when money talks talaga mga dear readers everybody is listen, kaya yung iba nadodoble ng gastos sa pagpapa-test kung sila ba ay positibo o negatibo parin sa covid-19.
Going back to motorcycle barrier, ayon sa ating mapagkakatiwalaang source na walang pinagkaiba ang dalawa na gustong ipatupad ng gobyerno, ginawang praktisan lamang ang mag-asawa para umano mapayagan ng magbalik byahe ang angkas, joy ride ayon sa kanilang kashunduan.
Kahit hindi eksperto sa motorsiklo ay nakikitang may mali talaga sa disenyo, kung para sa pampublikong motorsiklo gagamitin ang motorcycle barrier na yan, please lang pag-aralan mabuti dahil nakasalalay dito ang buhay ng pasahero.
Kung mag-asawa lang din naman ang pag-uusapan, na palaging magkasama oras-oras, iisang bahay lang din ang inuuwian, magkatabi sa pagtulog, may mga anak din silang iniingatan sa kanilang pag-uwi, wag na natin pahirapan pa sa pag-angkas sa motorsiklo ng kanilang asawa.
Sapat na ang naka-full face helmet, jacket, mask, gloves, at obligahin magdala ng alcohol na pangontra sa kinatatakutan nating sakit.
Dahil kung sinasabi ng gobyerno na kaya nila ipinatutupad ang ganito ay para sa kanilang kaligtasan at maiwasang makahawa ng sakit, sa tingin ko mas doble pa ang ginagawang pag-iingat ng mag-asawa para sa kanilang mga anak.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAG-TEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com