Advertisers

Advertisers

20 tonelada ng tilapia namatay sa Batangas

0 310

Advertisers

NASA 20 tonelada ng tilapia ang natagpuang patay sa bahagi ng Taal Lake, Laurel, Batangas.
Ibinaon na ang mga isda nitong weekend matapos matagpuan noong Biyernes sa bahagi ng Taal Lake sa Barangay Gulod.
Ayon sa residenteng si Rose Marie Serrano, kaunti lamang ang namatay na isda ngayong taon kumpara sa 600 tonelada na naapektuhan ng fish kill noong nakaraang taon.
Nauna nang ipinaliwanag ng mga eksperto na nagkakaroon ng fish kill kapag bumababa ang level ng dissolved oxygen sa tubig.
Ayon kay Gregorio Serrano, chairperson ng Barangay Gulod, hirap paring makarekober ang mga nanghuhuli ng isda sa kanilang lugar matapos ang sunod-sunod na kalamidad mula Enero.
Magugunitang naapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa may Taal Lake noong Enero dahil sa pag-alboroto ng Taal Volcano.(PFT team)