Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang diver sa barangay matapos maaktuhang nagtutulak ng shabu sa buy bust operation sa Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang naaresto na si Fhilmer Cadiente, 35, binata, driver ng barangay at residente ng nabanggit na lugar.
Nasamsam sa pag-iingat ni Cadiente ang 13 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.
Ayon kay Staff Sgt. Aaron Blanco, tagasiyasat ng Solano Police Station, dati nang sumailalim sa plea bargaining si Cadiente na kabilang sa high value target list ng mga awtoridad.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Solano Police station.(PFT team)