Advertisers
SI Sanya Lopez ang bumida sa episode ng Wish Ko Lang nitong nakalipas na Sabado, August 1.
Challenging ang scenes ni Sanya kasama si Ayeesha Cervantes na kinabiliban ng viewers. Ginampanan nina Sanya at Ayeesha ang magkapatid mula Laurel, Batangas na pumanaw nitong nakaraang Hulyo matapos matamaan ng kidlat sa kasagsagan ng ulan.
At dahil tungkol sa magkapatid ang kuwento, malamang ay humugot si Sanya sa kanyang personal na relationship sa kanyang Kuya Jak Roberto.
Marami ang humahanga sa galing ni Sanya sa pag-arte. Ang Descendents of the Sun 2nd Unit Director na si Direk Rommel Penesa ang nag-direk ng reenactment scenes ng Wish Ko Lang episode na napapanuod tuwing Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA 7.
***
KRIS BERNAL INILANTAD ANG PEYBORIT SEXY WORKOUT CLOTHES
Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Kris Bernal, ipinakita niya sa fans at online followers ang mga paborito niyang suotin tuwing nage-exercise.
Isa kasi sa mga most requested ng kanyang viewers ang vlog na ito dahil patuloy silang nai-inspire sa kanyang fitness journey.
Kuwento ni Kris, may mga specific na bagay daw siyang hinahanap sa kanyang workout clothes. “When it comes to shopping workout clothes, I actually don’t mind the fancy labels, the latest trend, the latest fashion. Mayroon lang akong three things I consider when shopping or buying workout clothes.
“Number one is the fabric and the material. Second is the proper and right fit. And third is the style, of course gusto natin looking good and feeling good tayo while working out.”
Isa si Kris sa mga pinaka-sinusundan na celebrities pagdating sa pagiging fit at healthy at kitang-kita naman ito sa maganda niyang pangangatawan.
***
BARBIE FORTEZA IPINASILIP SA FANS ANG WORK FROM HOME SETUP
Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Primetime Princess Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute.
Tinulungan din siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na pinadala ng 24 Oras. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie.
Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, “In fairness, ang bilis kong nakapag makeup. Tama rin ‘yung diskarte ko na dito ko sa setup magme-makeup. Para nga naman tama ‘yung makeup ko kasi minsan iba ‘yung rehistro ng makeup sa camera ng phone, iba dito sa camera dito, iba sa makeup table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo.”
Samantala, habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.
***
IYA VILLANIA, IPINAKILALA SI BABY ALANA SA PUBLIKO
Opisyal nang ipinakilala ng Kapuso actress at TV host na si Iya Villania sa publiko ang kanyang unica hija na si Baby Alana Lauren noong July 28.
Balik-trabaho agad si Iya bilang Chika Minute host ng 24 Oras at matapos ang kanyang live reporting ay ipinakita niya si Baby Alana sa camera.
“That’s it for my chika from home, ako po si Iya Arellano with Alana Arellano! Say hi!,” ani Iya.
Bukod sa paghahatid ng latest showbiz news sa 24 Oras, nag-resume na rin si Iya ng trabaho bilang host ng Mars Pa More na kasalukuyang napapanood ang anniversary episodes tuwing umaga sa GMA. – (Rommel Gonzales)