Advertisers

Advertisers

Paglalagay ng barrier sa motorsiklo may problema sa enforcement

0 258

Advertisers

“May problema tayo as much as enforcement concern”
Ito ang sinabi ni Department of Transporation Assistant Secretary Alberto Suansing kaugnay sa usapin ng paglalagay ng “barrier” sa mga motorsiklo.
Ayon kay Suansing, sa nasabing usapin marami aniya ang naging argumento tulad ng pagpigil sa mga mag-asawa na magkaangkas gayung magkasama o magkaangkas naman ito sa loob ng kanilang tahanan.
Kaya naman para ma-settle aniya ang isyu, pumayag na ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Interior and Local Goverment (DILG) na magkaangkas ang mag-asawa pero dapat maglagay ng barrier.
Purpose din aniya ng barrier upang hindi makapagpatakbo ng mabilis.
Bagama’t marami aniyang tumututol dahil may mga pag-aaral pa na nakakaaksidente lamang ang barrier at sagabal, ngunit kailangan aniyang balansehin kaya pumayag narin ang IATF at DILG na mag-angkas sa motorsiklo basta’t may barrier.
Marami rin aniyang nagsasabi na sapat nang gamitin bilang pananggalang sa virus ang full face helmet, ngunit ayon kay Suansing, hindi lamang sa ulo nagmumula ang virus kundi sa buong katawan kaya kailangan mayroon talagang barrier bilang “shield” sa dalawang indibidwal.
Paliwanag ni Suansing, para maiwasan narin na harangin ang magkaangkas, kailangan mayroon itong barrier.
Ang trial period ay natapos nitong July 31 kaya tuloy-tuloy na ang pagpapatupad nito.
Ang sinumang hindi tatalima rito, huhulihin na at may penalty ng mahigit isang libong piso sa unang offense.
Samantala, sinabi rin ni Suansing na may mga naparusahan na o nasuspindi nang mga bus driver na nanagasa ng mga barrier sa Edsa. (Jocelyn Domenden)