Advertisers

Advertisers

OFW kararating lang sa bansa, nabiktima ng ‘bukas maleta’ sa airport

0 598

Advertisers

NANLUMO ang isang Overseas Filipino Worker mula Hong Kong nang diumano’y nabiktima ng ‘bukas maleta’ sa airport.
Sa ulat, kalalapag lamang sa Davao International Airport ang naturang OFW noong Hulyo 27 nang mapansing bukas na ang kanyang maleta.
Mapapansin sa larawan na pinutol ang lock ng maleta at nabuksan ito. Nang i-check ng OFW ang laman nito, pawang mga mahahalaga at mamahaling gamit talaga ang pinag-interesan ng sinumang nagbukas ng kanyang maleta.
Nalimas ang kanyang pera, alahas chocolates at iba pang mamahaling gamit na laman ng bagahe.
Ang masaklap pa rito, hindi lahat sa kanya ang mga gamit na nawala at ang karamihan sa mga ito ay pawang pakiusap lamang na padala ng kasamahan niyang OFW na ipararating pa niya sa mga pamilya nito.
Halos hindi makausap at hindi makagalaw ang kaawa-awang OFW matapos malaman ang nangyari lalo pa at walang kasiguraduhan kung sino ang nararapat na managot sa mga nawala.
Samantala, nalungkot at naawa ang netizens na nakakita ng naturang post at ang ilan ay nagsasabing naranasan din nila o maging ng kanilang mga kamag-anak ang ganitong insidente.(PTF team)