Advertisers

Advertisers

Offshore accounts ng PECO

0 430

Advertisers

KAILANGAN ng concerned Ilonggo lawyer ang tulong ng Anti-Money Laudering Council (AMLC) para mabulatlat ang umano’y offshore companies ng kontrobersiyal na Panay Electric Company (PECO).

Sabi ni Atty. Zafiro Lauron ng Iloilo City, maghahain siya ng pormal na reklamo sa AMLC para mailantad kung saan dinala ng PECO ang bilyones na sinisingil nito sa power consumers gayong hindi naman napagbuti ang serbisyo at pasilidad nito sa loob ng ilang dekada.

Sabi ni Lauron, may ilang dekadang nagtiis ang mga residente ng Iloilo sa palpak to the max na serbisyo ng PECO sa kabila ng pagbabayad nila ng sobra sobrang singil sa kuryente.



Ang bilyones daw kasing nakolekta ng PECO sa mga Ilonggo ay pinang-invest nito ng ilang negosyo sa labas ng bansa sa halip na ipaayos ang pasilidad ng kuryente, tirada ni Atty. Lauron.

Ayon sa abogado, sa isang report ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ), isang US-based nonprofit organization na may global network ng reporters at media organizations na nagsasagawa ng pag-iimbestiga sa mga mahahalagang isyu sa buong mundo, kasama ang PECO sa nagmamay-ari ng investment companies sa British Virgin Islands.

Nakapaloob sa ICU report na sa pamamagitan ng Portcullis TrustNet Fund Services Ltd., isang Singapore-based company, ay nagawa ng PECO na makapagset-up ng 3 kumpanya sa British Virgin Islands.

Una ay ang Costa Group Investments Ltd na nairehistro April 11, 2000, may company address na Portcullis Trustnet Chambers, PO Box 3444 Road Town Tortola, Bristish Virgin Islands.

Sa tulong din ng Portcullis Trustnet Fund Services Ltd at Financial Services Company na Valtos na nag-o-operate sa Pilipinas, US at Asia ay nakapag-set up ng dalawang pang investment companys ang PECO. Ito naman ang Prime Rose Technology na nairehistro sa British Virgin Island October 11,2000, at Mega International Services na naiset-up Sept. 12, 2000.



Ang British Virgin Island ay isa sa pinagtataguan ng yaman ng mga mayayaman dahil narin sa secrecy ng mga kumpanyang nangangasiwa ng investments.

Maituturing na legal ang pag-i-invest sa British Virgin Islands.

Subali’t sa nakalipas na ilang taon ay natukoy na nagagamit ang offshore economy na ito para sa money laundering, tax evasion at fraud.

Sa Pilipinas, ilan sa ICIJ members ay ang investigative journalists na sina Roel Landingin, Maria Ressa ng online news Rappler, US-based journalism school dean Sheila Coronel at ang multi-awarded investigative journalist na si Marites Danguilan Vitug.

Itinanggi ng PECO ang mga pasabog na ito ni Atty. Lauron. Pero hamon ng abogado: Maglabas ng ebidensya na magpapatunay na wala nga itong tagong investments sa British Virgin Islands.

Say ni Atty. Lauron, kung walang tinatago ang PECO ay ma-dali itong makakahingi ng sertipikasyon sa Bahamas na wala silang investments gaya ng kanilang sinasabi.

Nanindigan si Atty. Lauron na mas may basehan ang ipinalabas na report ng ICIJ. Matagal na aniya iniuugnay sa PECO ang pagkakaroon ng offshore companies subalit palagian lamang ang kanilang pagtanggi.

Wala namang masama magdeposito o mag-invest sa labas ng bansa, subalit ang nakakaalarma rito ay kilala ang British Virgin Island na taguan ng illegal funds. Karamihan sa mga nagdedeposito rito ay may tinatago.

Sa isang statement, sinabi naman ng PECO na isang “rehashed issue” ang ibinunyag ni Lauron. Bukas daw sa appropriate authorities ang financial records ng kumpanya at maging ng Cacho Family na siyang nagmamay ari ng PECO.

Hmmm… bakit ‘di bigyan ng authorization ng PECO ang AMLC na ipakita kay Atty Lauron ang rekord nito kung mayroon nga itong offshore accounts. Mismo!