Advertisers

Advertisers

Nigerians na miembro ng WADS huli sa Cavite

0 304

Advertisers

NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Nigerian nationals sa Imus, Cavite sa kasong illegal drug trafficking.
Ayon kay NBI officer-in-charge (OIC) Eric B. Distor, kinilala ang mga dayuhan na sina Samuel Chukwuemera Duruibe at Mmaduamaka Vitus Okoli alyas Frank Irvin .
Naaresto ang dalawa ng mga operatiba ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court sa Imus.
Ayon sa NBI, Oktubre 2019 nang makatanggap ang ahensya ng impormasyon na isang Samuel Chukwuemera Duruibe na Nigerian citizen at ilang kababayan niya na sangkot sa proliperasyon ng illegal drugs (shabu) sa area ng Cavite.
Sinalakay ng NBI ang kuta ng mga suspek at nadakma ang dalawa.
Nabatid na miyembro umano ng WADS sina Duruibe at Okoli na nag-o-operate sa Pilipinas.
Dati nang naaresto si Duruibe noong 2014 sa isang buy- bust operation matapos mahulihan ng 2 kilo ng shabu.
Ngunit pansamantala siyang nakalaya dahil nagpiyansa ng P500,000.00 sa kasong paglabag sa Sec 5, R.A. 9165; at P1,000,000 para sa Sec 11, R.A. 9165 noong September 2019.
Sa report, kahit nasa loob na ng kulungan nagpatuloy parin si Duruibe sa kanyang iligal na operasyon.
Nang ipatupad ang search warrant laban kay Duruibe sa Montefaro Village, Imus City, nasamsam ang 181.21 gramo ng shabu, kungsaan naaresto rin si Okoli. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)