Advertisers
DAHIL isa nang vlogger ang inyong columnist, natututukan namin ang iba’t ibang vlogs at ilan sa aming pinapanood ay ang kwelang Vlog ni Alex Gonzaga at ng magdyowang Lovely Abella at Benj Manalo na may 244K subcribers na sa kanilang Youtube channel na “Benly” na love ng mga Bisaya kasi in real life ay Cebuana ang komedyanang si Lovely.
Sa isang episode ng showbiz couple ay naantig ang aming damdamin sa ginawa nilang pagbigay ng ayuda sa matandang si Lola Fem ng Cavite na number one fan pala ni Lovely na nung manalo ng isang milyon, house and lot, at sasakyan sa Wowowin ay binigyan nito si Lovely ng second hand na Hermes bag na nagkakahalaga ng P30K. Kaya noong mabalitaan nila ni Benj na may sakit ang nasabing Lola ay agad naghanap ng buyer si Lovely sa kanyang Hermes bag, nagkataon naman na ang kaibigan nito na good-samaritan ang bumili kaya binigyan ang komedyante ng P30,000 na hindi na kinuha sa kanya ang bag dahil alam ng kaibigan na may sentimental value ito sa kanya.
Dinala agad nina Lovely at Benj ang pera kay Lola Fem sa Cavite at napaiyak ito at hindi niya inaasahan na tutulungan siya ng kanyang idolo sa panahon ng pandemya.
Yes, may mabuting puso ang mag-asawa at agad umani ng maraming likes at comments ang episode ng kanilang pagtulong. Good riddance to Lovely and Benj.
***
DIREK REYNO OPOSA, SUPORTADO NG MGA OFW ANG LIVE STREAMING SA YOUTUBE
Hindi lang ang mga binigyan ng break ni Direk Reyno Oposa sa recording na kinabibilangan nina Ibayo Rap Smith, Eman Bautista, Rosa Mejica at iba pa ang sikat sa social media. Maging si Direk Reyno na naglabas ng single na “Bakit Ba” na siya mismo ang kumanta at inyo nang mapapanood ang Music Video nito sa Reyno Oposa Official Youtube Channel. Dito rin mapapanood ang Live Streaming ng kaibigan naming director na suportado ng kanyang mga viewers na OFW. Yes, marami nang fans sa abroad si Direk Reyno at ang pinaka bongga ay inaayudahan pa siya ng mga ito.
Alam kasi ng mga kababayan natin ang ginagawang pagtulong o pagbibigay ng break ni Direk Reyno sa mga newcomer na gustong mag-artista na nabigyan na niya ng ilang movie projects sa pag-aaring Reyno Film Production. Thrice a week ang Live Streaming ng Toronto, Canada based director at mga interesting ang topic niya rito kabilang na ang kwento sa totoo at reyalidad ng buhay. Dapat ang mga tulad ni Direk Reyno ang sinusuportahan na may malaking puso sa kapwa. – (Peter S. Ledesma)