Advertisers

Advertisers

KC type karerin ang pagiging hardinera

0 283

Advertisers

VIRAL ang ibinahagi ni KC Concepcion na pag-harvest ng kanyang mga gulay sa kanyang farm na umani ng positibong reaksyon sa netizens.

Sa panahon kasi ng community quarantine, nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-relax sa kanyang villa sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Habang ini-enjoy ang “probinsiya vibe,” kasama ang kanyang cute pets na Pomeranians.



Sa kanyang IG, ipinakita rin niya ang pag-ani ng mga gulay, kasama na ang dahon ng pako na gagamitin niyang sahog sa kanyang ulam para sa tanghalian.

“Just me being an awkward city girl, tip toe-ing around the vegetable garden, while learning to harvest (for the first time) some ‘paco’ – fern leaves – for lunch! Who believes that learning to plant veggies that can grow in our own balconies, patios or gardens at home is one of the most relevant survival skills coming out of a lockdown” aniya.

Hirit ng netizens, tila greenthumb daw ang actress at kung sakali, may future ito bilang hardinera.

Pinuri rin nila ang pagiging resourceful ng dating UNICEF ambassador dahil puwede raw nitong mapakinabangan ang mga tanim na gulay sa kanyang online cooking show na isa rin sa kanyang pinagkakaabalahan sa panahon ng lockdown. –(Archie Liao)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">