Advertisers

Advertisers

KAKAYAHAN NG MAYNILA SA COVID, NASASAGAD NA – ISKO

0 314

Advertisers

MALAPIT ng masagad ang kakayahan ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga quarantine facilities at mga city-run hospitals.

Ito ang malungkot na pahayag ni Mayor Isko Moreno kasabay ng muli niyang panawagan para sa ‘kusang disiplina’ sa lahat ng residente ng lungsod na manatili sa bahay hangga’t maaari at gawin ang ‘three Ws’— wear your face masks, wash your hands and watch your distance.

Hinikayat din ng alkalde ang mga taga-Maynila na ilagay sa kanilang isip na “everyday, there is COVID-19” sa tuwing lalabas sila ng kanilang bahay, kaya dapat na laging handa sa pag-iingat at proteksyon para hindi masama sa tumataas na bilang ng mga biktima ng coronavirus.



Inamin ni Moreno na halos puno na ang mga city hospitals at quarantine facilities dahil sa pagtaas ng bilang ng pasyente ng COVID simula nang lumuwag ang community quarantine.

Ang Maynila ay may anim na ospital, isa kada distrito at 12 quarantine facilities na nakakalat sa buong lungsod at may total bed capacity na halos 600.

“We have quarantine facilities for mild asymptomatic, for COVID- positive dialysis patients, pregnant women, COVID-positive alone and people awaiting results of confirmatory tests done through swabbing,” sabi ni Moreno.

Samantala ay sinabi ni Moreno na labis ang kanyang pagkadismaya sa paghawak ng locally-stranded individuals (LSIs) na sumugod sa Rizal Stadium sa Malate, Manila kamakailan.

“I am disappointed and so are all our nurses and doctors only to find out that there are 48 who turned positive for COVID,” pahayag ni Moreno na umaasa na hindi na muli itong mangyayari.



“Maganda ang prinsipyo.. ang concept. Taas-kamay ako but it was not done according to the set of rules na sinusundan ng lahat ng lokal na pamahalaan. It is quite unfair for receiving provinces to send someone there who is infected. Di kami pwede manahimik. They (concerned authorities) mended their ways and promised na di na mauulit ang ganung bulusok,” ayon kay Moreno.

Matatandaan na noong July 24, ay may 4,000 LSIs ang dumagsa sa lungsod at nagkampo sa paligid ng Rizal Stadium bago sila pinayagan sa loob kung saan sila namalagi ng halos isang linggo habang naghihintay ng kanilang libreng transportasyon na magdadala sa kanila sa kanilang probinsya.

Ang department of public services sa pamumuno ni Kenneth Amurao ay nagpakilos ng 30 personnel upang kolektahin ang mahigit na 50 toneladang basura na iniwan ng mga LSIs at nilinis din ng mga ito ang toilets na iniwang saksakan ng dumi at ubod ng baho dahil sa dami ng mga taong gumamit nito.

“Tatanggap pa rin kami ng LSIs kung makakatulong… but we, as intermediary city, when people come from their origin going to endpoint, sa amin dadaan so they have to make sure that medical protocols are practiced not only for the people of Manila but for the receiving provinces as well,” ayon sa alkalde.

Dinagdag pa nito na: “Naglilinis kami, lima singko then here you are, throwing your garbage everywhere. It’s quite unfair for us. When you come to our city, you have to behave like Manilans. We are inculcating discipline unti-unti, this cannot be done overnight but the process is consistent and persistent. ‘Wag kayong dugyot. Be responsible.” (Andi Garcia)