Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 20 namatay; 301 gumaling; 5,032 bagong kaso

0 288

Advertisers

LUMAGPAS na sa 100 libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ng hapon.
Ito ay kasunod ng naitalang kabuuang 103,185 na mga kaso dahil sa karagdagang 5,032.
Ang nasabing mga resulta ay naisumite ng 70 mula sa 94 operational laboratories.
Nasa 35,569 naman ang aktibong mga kaso.
Inanunsyo rin ng DOH ang 301 recoveries kung saan umabot na sa 65,5578 ang kabuuang mga gumaling sa COVID-19.
Umabot naman sa 20 ang nadagdag sa mga nasawi sa sakit dahilan para umakyat na sa 2,059 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Sa 20 deaths, 14 o 70 percent ang nangyari noong July, 3 o 15 percent noong June at 3 o 15 percent din noong May.
Mula naman sa Region 7 ang 15 o 75 percent, NCR na may 4 o 20 percent at 1 o 5 percent naman sa Region 4A.
Mayroon naman 79 duplicates na kailangang tanggalin sa total case count.
Sa nasabing bilang, 8 ang recovered cases ang natanggal.
Isang kaso naman ang iniulat na gumaling ang na-validate na pumanaw at naisama na sa bagong bilang ng mga nasawi. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)