Advertisers

Advertisers

Cavite, No. 2 sa may pinakamataas na kaso ng Covid- 19 sa bansa

0 285

Advertisers

NAITALA ang lalawigan ng Cavite bilang pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng may mga Covid-19 sa buong Pilipinas nitong Sabado.
Ayon sa pinakahuling impormasyon na binigay ng DOH (Department of Health), pangalawa ang lalawigan ng Cavite sa Top Provinces na newly-announced cases ng COVID-19 sa bansa.
Nangunguna ang NCR na may 2,667, pangalawa ang Cavite na may 405 cases, pumangatlo ang Cebu na may 355, sumunod ang lalawigan ng Laguna na may 324 at Rizal na may 252 cases.
Ikinalungkot ito ni Cavite Governor Johnvic Remulla na nakakaramdan na din ng takot at pagkabahala sa kaniyang mga mamamayan.
Pakiusap at panawagan nito sa mga Caviteno na patuloy na makiisa at sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad partilular na ang pagsusuot ng Face mask at Stay at Home policy ng lalawigan.(Irine Gascon)