Advertisers

Advertisers

Bong Go sa healthcare workers: ‘Naririnig ng Pangulo ang inyong hinaing’

0 293

Advertisers

TINIYAK ni Senate committee on health and demography chair “Bong” Go sa medical community, lalo sa health workers na nagsisilbing frontliners sa pagsugpo sa coronavirus disease (COVID-19), na naririnig ni Pangulong Duterte ang kanilang mga hinaing.
Ayon kay Sen. Go, naimbitahan siyang makilahok sa virtual meeting ng Cabinet officials sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kinatawan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at National Task Force (NTF) on COVID-19 para talakayin ang mga rekomendasyon na iprinisinta kay Pangulong Duterte matapos ang inilabas na hinaing ng medical community.
Ipinaalala ng senador sa government officials na palaging tuparin ang kanilang pangako at sinumpaang tungkulin: “Dapat kung may binitawang salita, maibigay at huwag tagalan ang serbisyo. Kung mangangako kayo, siguraduhin ninyo na mabibigay para hindi kayo malagay sa alanganin at madamay ang Pangulo.”
Sa kanyang panig, sinabi ni Go na pinag-aaralan niya ang posibilidad na mabigyan ng financial assistance at karagdagang benepisyo, gaya ng life insurance coverage ang mga private sector healthcare workers (HCWs) na nakatalagang humawak sa COVID-19 cases.
Sinabi niya na dapat ay tinatamasa rin ng mga nasa pribado ang natatanggap ng HCWs mula sa gobyerno na mga kompensasyon at benepisyo.
“Kakausapin ko po si Pangulong Duterte, ang ating finance managers at ibang mga mambabatas kung pwedeng maisali pa sa Bayanihan 2 bill ang probisyon na magbibigay dagdag benepisyo sa healthcare workers, sa pribado man o publikong sector. O baka pwedeng magawan ng paraan sa Executive branch nalang through a directive from the President,” ani Go.
Umapela rin ang senador sa concerned agencies na magbigay ng akomodasyon at transportasyon o maglabas ng Work and Quarantine Passes sa on-duty HCWs upang madali silang makapasok sa trabaho.
Ibigay din sa kanila aniya, ang libreng COVID-19 testing.
Sinabi pa ni Go na patuloy niyang isusulong ang enactment ng batas na magpoprotekta at magpo-promote sa kapakanan ng buong medical community.