Advertisers
PATAY ang isang lalaking nurse nang tambangan ng mga armadong lalaki ang ambulansiya ng Rescue 165 ng local government ng Palawan, Sabado nga hapon (Agosto 1).
Kinilala ang nasawi na si Al Jerome Bernardo, nurse; at isa pang kasama nito na hindi pa tinukoy ang pangalan ang nasugatan sa insidente.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Dumarao, sa bayan ng Roxas.
Sa report, pabalik na ang ambulansiya sa Dumarag, Palawan nang harangin ng mga armadong lalaki.
Sa imbestigasyon , tatlo ang sakay sa ambulansiya, kabilang ang driver.
Patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang insidente.(PTF team)