Advertisers

Advertisers

Traffic police huli sa pangingikil

0 344

Advertisers

DINAKIP ng mga otoridad ang isang traffic police na nangongotong sa mga driver sa entrapment operation sa Zamboanga City.
Ang inarestong pulis ay kinilalang si SSgt. Roberto Galvez Francisco, 49, nakatalaga sa Traffic Section ng Zamboanga City Police Station.
Ayonsa ulat, 2:30 ng hapon nang isinagawa ang operation ng pinagsanib na elemento ng Special CI Team ng Regional Intelligence Division 9, PNP- Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Mindanao Field Unit, Regional Intelligence Unit 9 at Regional Mobile Force Battalion (RMFB9) sa Sitio Agrarian, Brgy. Labuan, Zamboanga City.
Hinuli si Franscisco ng mga operatiba nang tanggapin niya ang P1,000 marked money mula sa isang motor rider.
Tiniyak naman ni BGen Jesus D Cambay Jr., Regional Director, PRO9, na tuluyang masisibak sa serbisyo si Franscisco matapos na ipag-utos ang pagsasagawa ng Summary Dismissal Proceeding laban dito.(Mark Obleada)