Advertisers
MARAMI namang gulat sa biglang kaseksihan ng young actress na si Sofia Andres.
Open book naman ang pagbubuntis at panganganak nito sa panganay nila ni Daniel Miranda na si Zoe.
Gulat ang netizens in a sense of bigla ang body beautiful ni Sofia after na magsilang ng baby.
Kadalasan naman sa mga nagpre-preggy after magsilang na mga kababaihan eh hindi agad magiging sexy and fit.
Kaya may i-ask naman ang netizen kung ano nga ba ang ginawa nitong si Sofia at bigla nagbalik alindog ito. Pagbubuking ni Daniel sa kanyang socmed kung bakit na-achieve agad ni Sofia ang kaseksihan.
Napaka-strong daw ni Sofia mag-two weeks pa lang daw nito makapanganak eh talaga naman super work out at exercise kaya nagbalik ang dating body na mukhang ‘di nanganak.
Pag-amin pa ni Sofia, “Maliit lang kasi ang panganay namin si Zoe.”
Thankful naman si Sofia sa netizen sa mga compliment na nagsasabing sexy siya at mukhang ‘di nanganak.
Hmmmp!
***
NETIZENS NATUWA SA “BREATHLESS” VERSION NG MAGPIPINSAN NA CRUZ
NGAYON nga raw na may kanya-kanyang buhay ang magpi-pinsang Sunshine, Sheryl, Donna at Geneva Cruz na fave naman sa socmed ang kanilang version sa pag-awit ng “Breathless” popularized by Corrs.
Rinig ang blending nang pinagsama-samang boses nina Sunshine, Sheryl, Donna at Geneva na klik na klik sa netizen.
Dahil sa teki na ang peg ng panahong gumawa naman ng paraan ang magpipinsan ng vlog sa pag-awit.
Naging paborito naman na panoorin ang vlog nang magpi-pinsan sa FB.
Dahil naman dumarami ang likes at daming positive comments malamang na masundan ng bagong awitin ang magpi-pinsan na Cruz.
Maraming nag-aabang na netizen sa bagong awitin sa socmed nang magpi-pinsan.
Well, well, well… ‘Yun na!