Advertisers

Advertisers

SAP 2 bigong ipamahagi sa target deadline

0 294

Advertisers

NABIGO ang DSWD na maabot ang target deadline sa pamamahagi ng cash assistance ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) sa 17 milyon low income families.
Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa isang panayam kahapon.
Sinabi pa ni Bautista na nitong nakalipas na Hulyo 31 sana ang target deadline nila sa pamamahagi ng ayuda sa SAP 2 pero posibleng abutin pa ito hanggang Agosto 15.
Katwiran ni Bautista, isa sa rason sa mabagal na pamamahagi ng SAP 2 ay dahil karamihan sa mga benepisyaryo ay nakatira sa mga liblib na mga lugar at mahirap maabot.
Nilinaw ni Bautista, na umabot lamang sa 8,405,298 low-income families na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa SAP2 na nagkakahalaga ng P55.1 bilyon.
Matatandaan na tinaningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD hanggang Hulyo 31 sa pamamahagi ng ayuda sa SAP2 kung saan nangako ang naturang ahensiya ng gobyerno na maabot ang target deadline ngunit nabigo ito. (Josephine Patricio)