Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush sa Marawi

0 306

Advertisers

PATAY ang isang pulis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang papasok na sa kanyang trabaho sakay ng motorsiklo sa Marawi city.
Kinilala ang biktima na si SSgt. Alikman Sangcopan, 46, nakatalaga sa Marantao Police Station sa Marantao, Marawi City.
Sa report, naganap ang insidente 7:00 ng umaga ng Biyernes, Hulyo 3. Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa trabaho nang dikitan siya ng tandem at isa sa mga ito ang bumaril kay Sangcopan na tinamaan ng dalawang beses sa ulo. Patay agad ito.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direskyon.
Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa kaniyang trabaho ang motibo sa pagpatay kay Sangcopan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(PTF team)