Advertisers
PATAY ang isa katao at isa ang kritikal matapos na dalawang beses sumalpok ang mga ito habang magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Salcedo 2, Noveleta, Cavite, Huwebes ng gabi, Hulyo 30.
Kinilala ang nasawi na si Melvin Nario, 33, may asawa, production optr, ng Sunrise Subd, Brgy Bagbag 2, Rosario; habang kritikal si Ronilo Bolhost Jr., 26, ng Gregoria Street, Brgy Tabon 2, Kawit, Cavite.
Hawak naman ng pulisya ang 2 driver na nakilalang sina Sonny Real, 44, ambulance driver, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario; at Jobert Baligod, 39, driver ng Isuzu Forward trak, at residente ng Calauan, Laguna.
Sa ulat. 10:14 ng gabi nang maganap ang insidente habang magkaangkas ang 2 biktima sa motorsiklo, for registration ang plaka, at patungo ng Noveleta town proper .
Ayon sa report, may kabilisan ang takbo ng motorsiklo, dahilan na una itong sumalpok sa Isuzu Forward Truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada at nagdire-diretso ito sa gitna ng kalsada dahilan upang sumalpok sa paparating na ambulansya na minamaneho ni Real.
Sa tindi ng pagkakasalpok, tumilapon ang dalawa at wasak ang motor ng magkaangkas.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung sino sa 2 biktima ang nagmamaneho ng motor.
Nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide & Serious Physical Injuries ang 2 driver. (Irire Gascon)