Advertisers
SERYOSO man ang topic ni Mareng Winnie sa Newsmakers pag Lunes, binabawi naman n’ya ito sa aliw segment niyang “Tita Winnie Tries”.
Pag Tuesday, light pero minsa’y may kurot sa puso ang hatid ni Kara David sa Bright Side. At kahit kuwela ang atake ni Susan Enriquez sa Pera Paraan, seryosong usapan din ang paghawak ng pera lalo na these days.
Relate rin, malamang, kay Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, ang viewers na trying to run the household on their own tuwing Thursday in Home Work. At may katuwang na ang parents sa ‘new normal’ dahil sa Family Time ni Drew Arellano every Friday.
Sa mga nababasa namin online, positive ang feedback ng netizens sa programming na ito ng Kapuso Network. Talaga kasing pasok sa banga ngayong lahat tayo ay nag-iba ang pamumuhay dahil sa pandemya. Looking forward kami sa mga susunod pang episode ng bawat show.
***
NAGKAROON ng ‘zoomustahan’ ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang loyal fans at supporters.
Ang virtual bonding ay naganap sa pamamagitan ng isang video conference call via Zoom.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang photos kasama ang mga taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Aniya, “Swipe left! Zoomustahan! Last night, with people I have so much love for. Kahit kailan, hindi kayo nawawala sa tabi ko. Isa kayo sa mga inspirasyon ko. Isa kayo sa mga dahilan ng kasiyahan ko. Isa kayo sa mga nagpapalakas sa akin. Please know that I appreciate each and every one of you. MARAMING SALAMAT at MAHAL NA MAHAL KO KAYO! @biancaddiction @biancaeliteofc.”
Napapanood si Bianca gabi-gabi sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.
***
ENJOY ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pakikipag-usap sa netizens sa Twitter at “Bessie” na rin nga ang tawag sa kanya ng fans online.
Very active nga raw si Jen sa pag-reply sa mga followers niya at nagpapaturo pa ng mga slang na hindi niya maintindihan sa social media platform dahil baguhan lang daw siya at aminadong “tita” na pagdating online.
Mas marami ngayong oras makipag-bonding si Jennylyn sa pamilya at fans habang hindi pa nagbabalik-taping ang ‘Descendants of the Sun PH.’
Sa mga gustong i-follow ang Kapuso star sa Twitter, hanapin lang ang kanyang username na @MercadoJen! (Rommel Gonzales)