Advertisers
NAGING matagumpay ang online show na “Soul in Love Live” na tinampukan ni Jay-R na handog ng Cornerstone Entertainment.
Pero para sa R&B singer, medyo naninibago siya sa kanyang trabaho dahil nga sa naging banta ng coronavirus hindi lang sa buhay ng mga Pinoy kundi sa kabuhayan at hanapbuhay ng entertainers na tulad niya.
Sa ngayon daw naman ay nakapag-adjust na siya sa tinatawag na ‘new normal’.
“People can expect a taste of the new normal for entertainment. We’ll just gather on social media with my shows every Sunday. What I enjoy most is that it’s from home. I get to stay comfortable to watch or perform in an online show. It’s also more comfortable because I can go at my own pace. But I miss the interaction with the crowd where I can hear them singing along or see the smiles on their face when I sing to them,” kuwento ni Jay-R.
Matatandaang apat na buwan pa lang ang nakalilipas nang magpakasal ang singer at ang aktres na si Mica Javier.
Ayon kay Jay-R ay nagpaplano pa lamang sila ni Mica na makapag-honeymoon kapag naging normal na lahat dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
“We were planning on saving up again before going on a honeymoon. The only problem now is when will we be able to work again to be able to save up. I was disappointed that a lot of my work got cancelled,” ani Jay-R.
“My business had to close down as well. No income was being generated. But I am thankful to Mica, myself, our family and friends are all healthy,” pahayag ng singer.
Dismayado rin si Jay-R sa pag-deny ng Kongreso para mai-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Nakikisimpatiya rin daw siya sa libu-libong empleyadong nawalan ng trabaho na nataon pa mandin sa panahon ng pandemya.
Dasal din niya na makabangon ang bansa sa krisis na pinagdaraanan nito ngayon dala ng mapaminsalang coronavirus. (Archie Liao)