Advertisers
PAGPUTOK ng liwanag, nagulantang ang ilang residente nang tumambad sa kanila ang mahigit 30 patay na aso’t pusa sa mga lansangan at labas ng bahay sa Happy Homes Subdivision, Barangay Sibaguan, Roxas City.
Walang anumang sugat ang 34 aso at 2 pusa, ngunit kapansin-pansin ang mga likido na lumalabas mula sa kanilang bibig.
Sinasabi na mayroong isang lalaki na sakay ng sasakyang pula ang nagtapon ng karneng may lason sa kalsada kungsaan madalas na tumatambay ang kanilang mga alagang aso’t pusa.
Magkahalong lungkot at galit ang naramdaman ng home owners sa pagkamatay ng kanilang mga alagang hayop.
Nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng naturang barangay sa mga kinauukulan upang mabilis mahanap ang suspek.
Desidido ang homeowners na magsampa ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 laban sa suspek sa oras na mahuli ito ng mga pulis.(PTF team)