Advertisers
SA kabila ng sunod-sunod na pagdapo ng covid-19 pandemic sa mga empleyado ng House of Representatives, patuloy pa rin ang kanilang contact tracing.
Sa huling tala ng 26 na confirmed cases, dalawa pang bagong kaso ang naitala sa Kamara. Sa 26 na kaso, tatlo rito ang nasawi.
Sa pahayag ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang unang empleyado ay naka-assigned sa Human Resources Management Service. Huli siyang pumasok sa trabaho noong July 20 at nasuri noong July 25 matapos na makaranas ng sintomas.
Siya rin ang tiyahin ng confirmed case mula sa Procurement and Supply Management Service. Nakatira sila sa iisang bahay.
Ang ikalawang empleyado ay naka-assigned sa Grounds Maintenance Group na huling pumasok sa trabaho noong July 21 at nasuri noong July 26 matapos makaranas ng lagnat.
Nilinaw din ni Montales na ang driver ni House Deputy Speaker at Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel at ang dalawang housekeeping staff, na nagpositibo sa covid-19 sa ginawang screening para State of the Nation Address, ay hindi mga empleyado ng House of Representatives.
***
‘Economic federalism’
MAARING rebisahin ng Kongreso ang Internal Revenue Allotment Code at iba pang bahagi ng Local Government Code upang mailapit ito sa isang economic federalism, ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Cayetano ang pederalismo, na isang panukala sa ilalim ng Charter change, ay posible na may pag-amiyenda pa rin upang maging makatotohanan ang Local Government Code.
Ang problema aniya sa Cha-cha o Charter change ay ang tamang panahon at hindi nakikita ni Cayetano ang panawagan sa isang plebisito.
Subalit sinabi ni Cayetano hindi prayoridad ng Kamara ang pag-amiyenda sa konstitusyon, dahil nakatutok ito sa mga panukalang magliligtas ng buhay ng tao at kabuhayan sa gitna ng nararanasang Covid-19 pandemic.
Sakaling maging hadlang man ang Covid-19 pandemic sa pag-amiyenda sa Constitution, maari pa rin gawin ng Kongreso na ilapit ang bansa sa isang federal system sa pamamagitan ng pagbabago sa Local Government Code upang bigyan ang mga local government units ng isang malaking bahagi sa national budget.
***
#WHATAWONDERFULDAY
MASAYANG nagkita-kita ang Class ’72 ng Don Toribio Teodoro Memorial High School/Caloocan City High School sa Jojo’s Bahay Kubo sa Balara nitong nakaraang Sabado.
Nag-roll call ang titser, present sina Elena Toledo, Zenaida Uy, Belen Castillo, Naomi Katindig, Tomas Chu, Jully De Tablan, at Eduardo Galvez. Absent sina Eduardo Pangilinan, Fe Pangilinan, Lilibeth Soto at ang birthday girl na si Lenie Aguirre. Nag-cutting classes naman si Edgardo Pineda.
After many years of not seeing old high school classmates, Im always curious to see where they ended up. There is excitement for anyone to reunite with former classmates.
When I think about my high school experience, there are many things that comes to mind. Some of them are good memories, bad memories, mistakes, lessons, happiness, heartbreak, misfortune, joy, drama, and most importantly, fun.
While in high school, I learned many valuable things in life. I learned the value of hard work, dedication, and also how to tell your real friends from the others.
It was tough but overall a great experience that I will miss.
Pagkatapos ng aming graduation, kanya-kanya na kaming buhay. Hindi ko na alam kung ano ang naging takbo ng kanilang pamumuhay, sino ang naging doktor, abogado, negosyante, at iba pang propesyon. Pero kompiyansa ako walang naging kriminal sa amin, hehehe.
High school days, ito ang pinakamasayang panahon ng isang estudyante. Magkasama kayo ng apat na taon at malaki ang pagkakataong mabuo ang inyong pagsasamahan bilang matalik na kaibigan.
Dito nauso ang “slam book” paghingi ng picture ng babaeng nililigawan mo with matching dedication, magpakuha ng group picture sa harapan ng school building, kopyahan kapag may test, may sipsip sa titser, biruan, kwentuhan at marami pang iba.
By the way, the Class ’72 of the TTMHS-CHS would like to express our deepest gratitude to Ms. Lenie Aguirre-De Jesus for her generosity and coordination that made our class reunion a success.
EdPang, Fe, Lilibeth and Lenie, abangan namin ang balik-bayan nyo para sa isang engrandeng pagtitipon ng tropang TTMHS/CHS. Ed Pineda, ‘wag ka na mag-cutting classes, ha!
***
Greetings kay Dr. Mimi mula sa tropa ni “Mask Woman.” Doctora, ano na raw po ang nangyari sa “deal” na 75M?