Advertisers
NGAYONG Linggo (Agosto 2), mapapanood sa GMA Network ang mga pelikulang magpapatawa at kukurot sa puso ng mga manonood.
Inihahandog ng Kapuso Movie Festival ang comedy film na “Bean.” Iikot ang kwento kay Mr. Bean at sa pinakamalaking kapalpakan na kanyang nagawa nang maatasang dalhin ang isang natatanging painting sa isang museum sa Los Angeles.
Mapapanood naman ang isang pelikulang tumatalakay sa pag-ibig, pagtanda at pamamaalam sa GMA Blockbusters. Tampok sa “1st Ko Si 3rd,” ang istorya ng mag-first love na sina Corazon (Nova Villa) at Third (Freddie Webb) na mas pinakulay ng mga pagbabalik-tanaw at magandang pagkukuwento ng kanilang pagmamahalan.
Huwag palampasin ang mga pelikulang ito ngayong Linggo sa Kapuso Movie Festival pagkatapos ng Taste Buddies at GMA Blockbusters pagkatapos ng Dear Uge sa GMA-7. (Showbiz team)