Advertisers

Advertisers

Babaeng NPA patay sa bakbakan sa Sorsogon

0 280

Advertisers

NASAWI ang isang babaeng combatant ng New People’s Army (NPA) nang salakayin ng tropa ng militar ang hideout ng mga rebelde sa liblib na lugar sa Sorsogon.
Nagkaroon ng 45 minuto palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at NPA sa Barangay Daganas, Bulan, Sorsogon province bandang 5:28 ng hapon ng Huwebes, July 30.
Nasa 40 NPA mula sa Komiteng Probinsya 3-Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa ilalim ni Arnel Estiller alyas “Mando” ang nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng 22nd Infantry Battalion (22IB) at 31st Infantry Battalion (31IB) habang nagsasagawa ng security operations matapos makatanggap ng tip mula sa mga residente hinggil sa presensiya ng mga rebelde sa lugar.
Nasawi sa bakbakan ang babaeng rebelde na iniwanan ng kanyang mga kasamahan nang makubkob ng militar ang hideout ng mga ito.
Nakuha ng tropa sa hideout ng mga rebelde ang M60 machine gun, M16 rifle, anti-personnel mine, cellphone, rolyo ng electric wire, propaganda materials at mga personal na gamit.(PTF team)