Advertisers
PINAMUNUAN ni Giannis Antetokoumpo ang opensiba ng Milwaukee Bucks tungo sa 119-112, tagumpay laban sa makulit na Boston Celtics sa kanilang unang sabak ng NBA restart, kahapon sa Walt Disney World Complex sa Orlando Florida.
Sumandal ang Bucks sa big game ng kanilang big man na kumamada ng 36 points, 15 rebounds at seven assists sa kanilang panalo.
Una rito, fouled out na sana ang NBA’s MVP may 1:28 ang nalalabi sa laro pero nabaligtad ito nang makita ang replay hanggang sa nabigyan tuloy siya ng tiyansa para sa tira sa foul line.
Ito na ang 54-12 record ng best team at isa na lamang ang kailangan na panalo upang makauna sila bilang top seed sa Eastern Conference sa ikalawang sunod na taon.
Tumulong din sa panalo ng Bucks si Khris Middleton na may 18 points sa kabila na hindi nakapaglaro sina Eric Bledsoe, Pat Connaughton na nagpapagaling pa matapos na magpositibo sa COVID-19.
Sa kampo ng Celtocs nasayang naman ang diskarte nina Marcus Smart na may 23 points at si Jaylen Brown na nag-ambag ng 22.
Pero ang kanilang star forward na si Jayson Tatum ay mistulang kalawangin pa na meron lamang kaka-rampot na limang puntos mula sa 2-for-18.