Advertisers
KULONG ang ABS-CBN actor na si “Matt Evans”, Matthew Evans Nicolas sa tunay na pangalan, matapos silbihan ng warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 – “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”- kaugnay sa kasong isinampa ng kaniyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.
Sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), 11:30 ng umaga ng Biyernes (Hulyo 31) nang arestuhin ang aktor sa kaniyang bahay sa Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila ng grupo nina Eexecutive Master Sgt. Manuel Aceveda, SMS Rem Sychangco MSG June Ricohermoso SSG Albert Acevedo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC), Branch 12, Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan sa paglabag sa RA 9262, na may inirekomendang piyansa na P36,000.00.
Nasa kustodiya ng WSS si Evans habang hindi pa nakakapaglagak ng piyansa.
Si Evans ay kasal sa negosyanteng si Riza Katrina Evans at nagsimulang makilala sa TV reality show na ‘Pinoy Big Brother’ at naging aktor at bida sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman”, at “Rosalka”. (Andi Garcia)