Advertisers

Advertisers

3 sundalo, 6 terorista patay sa Sulu encounter

0 278

Advertisers

HINDI parin nakikilala ng mga otoridad ang tatlong bangkay ng mga terorista na kabilang sa anim na napatay ng mga tropa ng pamahalaan sa engkwentro sa Patikul, Sulu.
Una rito, tatlong bangkay ang narekober ng mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion matapos ang engkwento sa mga local terrorist group sa Barangay Taong, Patikul Biyernes ng umaga.
Sa naturang labanan, minalas namang masawi ang tatlong sundalo.
Hindi pa isinasapubliko ang pangalan ng tatlong casualties at tatlo pang sugatan na mga sundalo habang ipinapaalam pa ang mga ito sa kanilang mga kaanak.
Labis namang ikinalungkot ni Maj. Gen. Corleto Vinluan, ang Joint Task Force Sulu commander, ang pagkamatay ng kanyang mga tauhan.(Mark Obleada)