Advertisers
NAARESTO ang tatlong babaeng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa Calatrava, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 31.
Kinilala ang tatlo na sina Cristell Abordo alias Dulay, Mary dem Forones alias Nancy, at Rossine Enyong alias Lemay.
Sa ulat, nahuli ang tatlo na nagsasagawa ng lectures sa kanilang supporter sa Barangay Minapasok.
Ayon kay Police Maj. Roberto Indiape Jr. ng Calatrava Police Station, na-recover sa kanila ang isang M-14 rifle, 3 revolver, 4 rifle grenade, 8 cellphones, mga gamot at mga subersibong dokumento.
Nasa kustodiya ng Calatrava Municipal Police Station ang mga suspek habang isinasailalalim sa imbestigasyon at paghahanda sa kaukulang kaso laban sa mga ito.
Naka-alerto naman ang buong pwersa ang mga awtoridad sa Caltrava dahil nasa kanilang kustodiya ang tatlong rebeldeng babae. (Mark Obleada)