Advertisers
MORNING PO! REPORT KO LANG PO ITO KAY MAYORA ABBY BINAY CAMPOS: MA’AM, BAKIT PO MABAGAL ANG EMPLOYEE NINYO SA DSWD PARA SA 2ND TRANCHE NG SAP PARA SA TAGA BARANGAY NG MAKATI? MALAPIT NA ANG KATAPUSAN, 31 JULY, UPANG TAPUSIN ANG PAY-OUT CASH ASSISTANCE PERO WALA PANG BALITA DITO SA MAKATI. – CONCERNED VENDORS NG MAKATI
Panawagan sa MPD PS 7: Aksiyunan ang droga sa Bgy. 54, Tondo
Gud am. Mabuhay kayo! Pakigising naman po ang Station7 (MPD) dito sa Tondo para linisin po ang aming lugar sa Cabezas st., Brgy 54. Sapagkat ilang beses na kami nagrereklamo sa brgy ay patuloy parin ang talamak na bentahan ng droga. At ang mga nagtitinda mismong nasa brgy, isang tanod. Kaya pala hindi maaksyunan ng aming kapitana ay dahil kadikit nya ang mga nagtitinda. Nawa’y maaksyunan ng mga pulis ng Station 7. Yung concerned citizen na nagsabing walang iligal na droga sa aming barangay, bulag siya. Mag-imbestiga at magmanman kayo sa ilang tanod dito. Sila ang tulak dito. – Tunay na concerned citizen
Sumunod sa protokol laban sa COVID-19
ATTENTION BARANGAY TUMANA MARIKINA: ISANG MAPAGPALANG ARAW SA INYO. NAIS LANG IPAALAM SA ATING BUTIHING KAPITAN NA BIGYAN AKSYON ANG MGA PASAWAY NA MGA KABABAYAN NATIN DYAN SA NATURANG BARANGAY. HUWAG NATIN PAIRALIN ANG KATIGASAN NG ULO, STAY AT HOME PAG HINDI MAHALAGA ANG LAKAD. SUNDIN ANG PAKIUSAP SA ATIN NG MGA KINAUUKULAN DAHIL SA LAGANAP NA VIRUS COVID-19. MGA KASAMA HUWAG TAYONG MAKIPASAPALARAN, ALALAHANIN ANG MGA MAHAL NATIN SA BUHAY BAKA TAYO MAGSISI SA HULI. HINDI NATIN NAKIKITA ANG ATING KALABAN. GOD BLESS – MATA NG LANSANGAN