Advertisers
Sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinamalas nitong muli ang kanyang pagiging prangka’t maangas ngunit ganon pa man ay mararamdaman pa rin natin ang kanyang malakas na sense of humor.
Kung titingnan natin ang ating Pangulo, siguradong hindi tayo magda-dalawang isip na siya ay istrikto at isang disciplinarian dahil sa napaka-tipid nitong ngumiti at seryoso all the way.
Ang kanyang pagka-prangka at ang direct to the point niyang pagsasalita ay mga katangian niyang hindi maitatanggi ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay makikita pa rin na siya ay masayahin taong makukuha pa ring magbiro gaano man kaseryoso ang kinakaharap na isyu o problema.
Halos matatapos na ang isang oras at apatnapu’t isang minuto niyang SONA nang maghalakhakan ang mga tao habang pinag-sasabihan niya ang mga may-ari ng TELCOS na paigtingin nito ang serbisyo sa mga tao hanggang Disyembre kung gusto nilang maging kanila pa rin ang kompanya, nangangahulugan na may limang buwan pa sila upang magpakita ng pruweba.
Dito na sa puntong ito nagtawanan na may kasamang palak-pakan ang madlang people nang sabihin ni Digong na kung kaya’t nais niyang palawigin ang serbisyo ng mga TELCOS ay dahil sa may pagkakataon daw na gusto niyang kausapin si Jesus Christ sa Bethlehem…he he he
Of course, sino ba naman ang hindi tatawa sa kanyang mga binigkas at ito ay naganap habang sinesermunan niya ang mga may-ari ng telecommunications company na binigyan pa niya ng limang buwan ultimatum para tumupad. Iyan ang sense of humor ni Digong, galit ka na ay makukuha mo pa ring ngumiti, di po ba?
Kapag-daka ay bigla na namang nabago ang tema, balik muli sa seryoso nang himukin niya ang Kamara na muling ibalik ang death penalty sa mga taong masasangkot sa illegal na droga.
Sa pagkakataong ito ay iilan lang ang pumalakpak na nanganga-hulugan na ilan lang ang sumasang-ayon. Muli niyang inulit ang kanyang binigkas at dumami na ng konti ang palakpakan, may sense of humor na flexible pa.
Ang tema ng kanyang SONA ay naglaro at naka-sentro sa lahat ng mga health workers na binigyan niya ng papuri at paghanga. Ang mga ito aniya ay nagsilbing mga frontliners habang kasalukuyang nakikipaglaban sa Covid-19 ang buong bansa.
Sinabi ni Digong na ang mga ito ang lumalabas na mga modern day heroes. Sinasakripisyo nila ang kanilang mga sarili para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.
Sa bandang huli ay nabaling na ang usapan sa mga tinagurian niyang mga oligarch na masyado raw binibigyan ng proteksiyon ni Senador Franklin Drilon.
Ke ano pa man ang naging isyu’t usapan ay maghintay na lang tayong lahat ng maganda at positibong resulta sa lahat ng binitiwang pangako ng ating mahal na Pangulo.
Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ay hindi pa rin naman sumusuko ang ating Pangulo at mas lalong hindi pa rin siya pinapanghinaan ng loob, wait and watch lang tayo.
Tutal, sinabi naman niyang may dalawang taon pa siyang natitira kung kaya’t wala tayong ibang dapat gawin kundi ang maghintay at magtiwala. Sama-sama tayong manalangin na lahat ng pinagdadaanan natin sa kasalukuyan ay ating malagpasan.
Bumalik tayong muli sa ating titulo na bagama’t prangka, disciplinarian at maangas ang ating mahal na Pangulo, isipin din sana natin na ito ay maaaring maskara lang at projection of image ngunit sa kabila ng lahat ay isang masayahing tao ang ating Pangulo na may malakas na sense of humor.
BARRIER SA MOTOR, MALAKING KALOKOHAN…
Hanggang sa ngayon ba ay kailangan ipatupad ang barrier sa mga motor maski na sarili mo pang asawa ang iyong angkas?
Di ba’t malaking kalokohan ito para ipatupad dahil sa kasalukuyan ay wala na halos tayong makain eh uunahin pa ba ang pagbili at paggawa ng barrier na ito.
Marami rin mamamayan at eksperto sa pagmo-motor ang nag-sasabing ang barrier na ito raw ay may kaakibat na disgrasya at aksidente lalo na kung may malakas na hangin na masasalubong dahil ito anila ay gawa sa plastic o di kaya’y fiber glass.
Huwag na po tayong lumayo pa, itanong na lang natin sa ating mga sarili kung kailangan pa ng mag-asawa na lagyan ng dibisyon o barrier ang kanilang mga kama, he he he
Para naman lumaki tayong lahat sa andador at kolong-kolong partikular at lalo na ang mga HENERAL na may pasinaya nitong ordinansang ito, isip-isip din at huwag maligalig….