Advertisers

Advertisers

Pagtulong sa mga nasunugan, tuloy-tuloy – Sen. Go

0 312

Advertisers

TULOY ang pagtulong ng tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga biktima ng sunog kung saan huling natulungan ang mga nasunugan sa apat na lungsod.
Kasabay nito, tiniyak ni Go na mahigpit na sinusunod ng kanyang grupo ang safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa Astek Block 3 sa San Joaquin, Pasig City kung saan napadalhan ang mga ito ng pagkain, face masks, mga gamot, financial aid at namigay pa ng bisekleta sa ilang benipisaryo.
Bukod sa pagtulong ay namamahagi rin ng bisekleta si Go dahil suportado niya ang malusog na transportasyon, ang paggamit ng bisekleta.
Parehong tulong din ang natanggap ng mga nasunugan sa Bernsite Sitio Lambac 2 Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal ; Brgy. San Pascual sa Obando, Bulacan at Brgy. 649 Gasangan Area sa Baseco Compound, Manila.
Binigyang-diin ni Go na walang tinitingnang oras o panahon ang pagtulong sa kapwa, lalong lalo na sa panahon ng pandemyang ito.
Matatandaang dati nang tiniyak ni Go ang pagtulong sa mga nangangailangan saan mang panig ng bansa, anuman ang panahon kahit noong hindi pa siya isang senador. (Mylene Alfonso)