Advertisers
AABOT sa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug buybust operation sa Parañaque City, hapon ng Huwebes.
Pinangunahan ng PDEA NCR Southern District Office, PDEA Special Enforcement Service at Parañaque City PNP ang pag-aresto sa dalawang lalaki.
Sa ulat ni PDEA spokesperson Derrick Carreon, nakipagkita ang mga PDEA agent sa mga suspek na sina alias Bai, Kali, at Marvin sa gasolinahan sa Ninoy Aquino Avenue.
Pinambayad sa kanila ang boodle money bago inaresto.
Nakuha dito ang aabot 1 kilo ng shabu na nakalagay sa lalagyan ng green tea, at isang caliber .38 na baril.(Gaynor Bonilla)