Advertisers
MULING binanggit ni Pangulong Rody Duterte sa kanilang pulong ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra coronavirus 2019 (covid ‘19) Huwebes ng gabi na inere nitong Biyernes ng umaga sa PTV 4 na hindi siya nagbibiro tungkol sa gasolina na puede pang-disinfect laban sa covid ‘19.
“Kung loko-loko ako, ikaw na sana nag-presidente hindi ako. Totoo ‘yan sinabi ko, alcohol, ‘pag walang alcohol na available, lalo na mahirap, pupunta kalang diyan sa gasoline station tapos mag-ano magpatulo ka, that’s disinfectant. Hindi ako nagbibiro totohanan ‘iyon,” sabi ni Digong na nasa seryoso ang mukha.
Reaksiyon nya ata ito sa inanunsyo ng kanyang Spokesman na si Hirminio alyas “Harry” Roque Jr. nagbibiro lamang ang pangulo nang sabihin nya ito sa kanilang pulong last week.
Kung ikaw ay loko-loko, sundin ang advise na ito ng malokong pangulo, at ginamit mong disinfectant sa bahay o opisina ang gasolina, tiyak mag-ala-impiyerno ang lugar mo. Idiot!
Sige nga, Mr. President… iutos mo kay BuCor Director Gerald Bantag na gawing disinfectant ang gasolina sa Bilibid at nang ma-cremate nang buhay ang mga kriminal dyan! Go!!!
***
Sa kanilang pulong Huwebes ng gabi na pinalabas nitong Bi-yernes ng umaga sa government-owned PTV4, muling pinuri ni Pangulong Duterte ang China. Ito na naman daw ang unang bansa na naka-gawa ng vaccine kontra Covid. 3 Chinese pharmaceuticals daw ang nakadiskubre ng gamot at nasa final trial na ito.
Nangako raw sa kanya ang Chinese gov’t. na priority ang Pilipinas kapag nag-go na sa merkado ang vaccine.
Ang Estados Unidos at United Kingdom ay nasa final stage ng pagsubok narin sa kanilang vaccine.
Sabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez, 20 million Pinoy ang kailangan mabakunahan ‘pag mayroon nang vaccine sa Covid. P20 billion raw ang magagastos rito.
***
Sabi ni Gongdi, ‘pag mayroon na tayong vaccine sa Covid, ang unang bibigyan ay ang mga mahihirap, sunod ang nasa middle class. Wala raw siyang pakialam sa mayayaman. Araguyyy…
‘Yung mga adik… hindi niya rin daw bibigyan ng vaccine. Hehehe…
Eh… hindi naman talaga kailangan ng mga adik ang vaccine. Drug test nga iniiwasan nila eh. Hehehe… At wala naman tayong nababalitaan na may adik na nagka-Covid. Yung mga adik sa bilangguan na sinasabing nagka-Covid, fake news ‘yon. Gusto lang silang i-cremate ng buang na hepe doon!
***
Sabi pa ni Gongdi, galit na galit siya sa drug lords.
Kumusta na kaya ang kumpareng Peter Lim niya?, ang sina-sabing biggest drug lord ng Visayas.
How about ang Chinese drug lords na nagpasok ng ilang bil-yong halaga ng shabu na nasamsam sa isang warehouse sa Valenzuela City? Friends ng kanyang mga anak na sina Cong. Pulong at Davao City Vice Mayor Baste ang mga sangkot doon? Bakit hindi pa i-cremate mga iyon? as example ng pagkagalit niya sa drug lords. Mismo!
***
Kailangan daw gumastos nang gumastos ang mga Pinoy para umikot ang ekonomiya, advise ni Sec. Dominguez.
Hoy! Secretary… ano ang gagastusin namin e wala ngang pera, walang hanapbuhay, sarado ang mga business establishment. Animal!
Pinagpaplanuhan ng gobyerno ang magkaloob ng 3rd tranche ng social amelioration program (SAP).
Tang ina… paasa na naman!!! Yung 1st at 2nd tranche nga hindi naipamahagi ng maayos, na-korap lang!!!
Inhale, exhale nalang mga suki. Keep safe! 2 years nalang tapos na ang salot sa Pilipinas.