Advertisers

Advertisers

Mga tsismosang kapitbahay contact tracers na

0 512

Advertisers

Nagkaroon ng importanteng role ang ating mga tsismosang kapitbahay o yun bang mga pakialamera sa ating komunidad nang gawing mga contact tracer ang mga ito sa ibang lugar. At maaring kalaunan ay sa bawat sulok ng bansa ay maging hanap-buhay pa ito ng karamihan sa atin.

Tulad ng pinaiiral mismo ng pulisya sa Central Visayas kung saan ang mga tsismosa’t tsismoso ang mga taga-nguso sa sinumang may karamdaman at kinakikitaan ng mga sintomas ng nakamamatay na virus na COVID-19.

Wala mang mga karanasan sa pagkalap ng mga tamang impormasyon sa virus, kumpiyansa ang kapulisan na sila ay matutulungan ng mga tsismosa’t tsismoso sa mga komunidad dahil kilala ng mga ito mismo ang lahat ng tao sa kanilang mga lugar. Bibigyan naman daw ng tamang training ang mga pakialamerang kapitbahay upang makasiguro ang pulisya sa kanilang mga ibibigay na impormasyon.



Katunayan ito rin ang naging paraan ng Bambang, Nueva Ecija na sa ngayon ay “zero COVID-19” pa rin, sa kabila ng may limampu’t anim na libong (56K) residente ito.

Sa panayam kay Dr. Anthony Cortez, isang kahanga-hangang manggagamot na sa kabila ng maraming oportunidad na lumalapit sa kanya ay nananatiling Municipal Health Officer ng probinsiya sa loob na ng 21 taon. Ang sabi ni Dr. Cortez, maaari namang “e-validate” ang mga tinitimbre ng kanilang mga tsismosang kapitbahay. Sa validation aniya, matitiyak kung talagang nahawaan ang taong itinuro ng kanyang pakialamerang kapitbahay.

Sa kabilang banda naman, hindi pabor ang Commission on Human Rights sa nasabing paraan sapagkat delikado raw na umasa lang sa impormasyon na tsismis lang ang basehan, at malalabag nito ang ‘right to privacy at right to dignity’ ng isang individual.

Ang kanilang panawagan, kung maaari, mga health expert o may karanasan na sa pagkalap ng mahahalagang impormasyon ang gawing contact tracer at hindi ang mga tsismoso’t tsismosa sa barangay.

Sa ganang akin naman, mainam naman isama na sa paghahanap ang mga pakialamerang kapitbahay upang mapadali ang contact tracing. Matutulungan nito ang kapulisan mapadali ang kanilang trabaho, maging ng lokal na pamahalaan. Sabi nga ni Dr. Cortez nasa validation naman yan. Siyempre idodouble check natin ang impormasyon nang hindi tayo sumablay at makasakit ng kalooban ng iba sa kwentong ipinasa ng tsismosang kapitbahay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">