Advertisers

Advertisers

Mga doktor sa Ospital ng Maynila nagkahawahan na – Isko

0 440

Advertisers

HINDI na pasyente sa pasyente ang naging transmisyon ng COVID-19 sa isang ospital sa Maynila kundi doktor sa doktor na.

Ganito, ayon kay Mayor Isko Moreno ang nangyari sa Ospital ng Maynila (OM), ang flagship hospital ng lungsod kasabay din ng pagbubunyag nito na 11 medical frontliners na pawang doctors at nurses ay naka-confine na dahil nagpositibo sa COVID-19, apat na confirmed cases ay naka-home quarantine habang 32 namang ‘suspects’ ang nasa home quarantine pero symptomatic. Ang confirmed cases base sa contact tracing na ginawa ay nagkaroon ng close contact sa 58 katao.

Dahil sa masaklap na pangyayaring ito at upang hindi na magkahawahan pa ang mga doktor at nars ay inutos ni Moreno na isara muna pansamantala ang OM na nagsimula noong Biyernes, July 31 hanggang Aug. 9 upang mabigyan naman ng ‘breather’ o panahon para makapagpahinga ang mga doktor at nars at iba pang medical personnel dahil kung dati ay pasyente sa doktor ang naghahawahan, ngayon ay doktor sa doktor na.



Ang ten-day closure ng ospital ay upang ma-sanitize ang buong pasilidad at mabigyan naman ang mga medical frontliners ng breathing space.

“So para maka-focus na mapangalagaan ang kalusugan ng frontliners sa medical sector, there is a need to stop continuing the contagion among themselves… I want them to be healthy emotionally, physically and psychologically… to give a breathing space to our doctors,” ayon Moreno.

Siniguro naman ni Moreno na tuloy ang serbisyo sa mga emergency cases o ‘life and death’ siruation, gaya ng panganganak at accident victims. Tuloy din ang serbisyo sa hemodialysis, radiology, laboratory, telemedicines, serology, swab tests at pagtanggap ng bagong kaso ng COVID.

Ang lahat ng serbisyo na hindi nabanggit ay pansamantalang suspendido at nakiusap din ang alkalde sa mga residente na huwag munang dalhin ang kanilang pasyente sa OM hanggang Aug. 9. Samantala ay nanatiling bukas ang limang city-run hospitals at handa tumanggap ng mga pasyente ng OM.

Ang mga pasyente na naka-admit na sa OM ay mananatili at patuloy na aalagaan at gagamutin kasama ang mga pasyenteng may COVID.



Ayon kay Moreno, ang nangyari sa OM ay hindi maiiwasan dahil nangyayari ito sa lahat ng ospital publiko man o pribado at kung minsan ay may namamatay pa.

Ayon pa sa alkalde ang pangyayari ay dahil na rin sa pagiging agresibo ng pamahalaang lungsod na tanggapin ang lahat ng COVID patients araw-araw.

“Hindi kami nagtataboy…we will continue despite the challenges pero pag sa tingin namin ay mari-reach na ang maximum tolerance namin sa infection sa aming medical sector, pag di namin binigyang halaga ang aming mga frontliners, who will take care of the incoming and future COVID patients?” pahayag ni Moreno.

Tiniyak din ng alkalde sa mga COVID patients na kaya pang tumanggap ng kaunting bilang ang OM, bilang karagdagan sa natitirang limang ospital at 12 quarantine facilities. (Andi Garcia)