Heart pumalag nang okrayin ng basher ang kuko; Sharon napa-maryosep sa itsura ni Gabby ngayong quarantine
Advertisers
SA post ni Heart Evangelista sa kanyang social media account sa gawa niyang art work, habang may suot na sandals, hindi sukat akalain na mapapansin ng basher pati ang kanyang kuko.
Maraming nagkomento ng positibo sa art works ni Heart.
Ikinatuwa ng kampo ni Heart ang magagandang komento sa kanyang IG post.
Kaya inspired ito na lumikha ot gumawa ng panibagong art works na isa sa pinagkakaabalahan ni Heart.
Pero may isang netizen na namumukod tangi ang komento.
Kahit nga ang hindi na dapat makita eh napansin pa rin ng basher na nagkataga ng, “Ang pangit pala ng kuko mo.”
Agad naman binuweltahan ni Heart ang nasabing basher, “At least kuko lang hindi ang ugali..”
At wala na ngang sagot pa ang basher sa patutsada ni Heart tungkol sa pagkapansin sa kanyang kuko.
Kung dati eh dedma at no pansin si Heart sa mga basher, aba ngayon wala na itong pinapalagpas at sunog lahat sa kanya ang mga okrabot na basher.
***
SA IG ng nag-iisang Megastar eh napa-throwback ito ng kanilang pics ng dating mister at ka-loveteam na si Gabby Concepcion.
Nakiusap si Sharon Cuneta na huwag bigyan ng malisya ang kanyang posted pics sa kanyang social media accout na throwback pics nila ni Gabby.
Marami kasi nagwi-wish na matuloy na ang reunion movie ng ShaGab.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh hindi na nga natuloy ang balik tambalan ng dating mag-asawa.
Kaya hindi maiaalis sa solid followers ang masabik sa comeback movie ng mga magulang ni KC Concepcion.
Sa kabilang banda may solid ShaGab follower naman na nag-post ng latest pics ni Gabby at laking gulat naman si Sharon.
Balbas sarado kasi ang post pics ni Gabby kaya napamaryosep si Sharon sa itsura ng dating hubby. “Pero guwapo pa din,” sey pa ni Sharon.
Asa pa rin nga ang ShaGab followers na matutuloy na ang balik tambalan ng dalawa.
Well, well, well… ‘Yun na! – (Jovi Lloza)