Advertisers

Advertisers

ECQ HIRIT NG DOCTORS

Para makapahinga ang health workers

0 297

Advertisers

DAPAT isailalim sa 2 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila upang bigyan ng pagkakataon ang mga pagod na health workers na makapahinga dahil sa sobrang taas ng bilang ng covid-19 patients.
Sinabi ni Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, simula nang mag-relax ang community quarantine ay doon na nagsimulang lumobo ang bilang ng covid-19 cases sa bansa.
“Nakakapagod na. It’s time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Pilipino?” ani Limpin.
Bukod sa pisikal na pagod, nakararanas din umano ng matinding depression ang mga health workers lalo na sa tuwing namamatayan ng pasyente.
Samantala, inirekomenda rin ni Limpin na dapat palakasin ang health care workforce at hindi lang ang bed capacity ng mga pagamutan.
Umaasa rin si Limpin na pakikinggan ng gobyerno at ni Department of Health Secretary Francisco Duque ang hinaing ng mga pagod na health workers.
“Ang ospital ho dapat ang the last line of defense pero kung ‘yung last line of defense ay bibigay, ibig sabihin wala ho tayong panalo rito,” pahayag ni Limpin. (Jonah Mallari)