Advertisers
NAGKIKISAY ang isang babae nang makuryente habang nagpapatuyo ng buhok sa bayan ng Malay, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Florelie Francisco, 29, residente ng Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay.
Sa report ng Malay Police, naganap ang insidente Huwebes ng umaga sa kuwarto ni Francisco.
Ayon sa ulat, katatapos lamang maligo ng biktima at dumiretso sa kanyang silid kasama ang pamangkin.
Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang lumabas ng kuwarto ang pamangkin ng biktima at nagsisisigaw sa paghingi ng tulong.
Nakita ang biktima na nagkikisay at nasa dibdib na niya ang electric fan.
Kaagad dinala sa ospital ang biktima ng kanyang ama pero idineklarang patay na ito ng umasisteng doktor.
Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng nakuryente ang biktima nang isaksak ang electric fan sa socket na basa pa ang katawan.(PTF team)