Advertisers

Advertisers

Composite sketch ng killer ng direktor ng Mental Hospital buo na

0 283

Advertisers

INILABAS ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang composite sketch ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay National Center for Mental Health (NCHM) director Roland Luyun Cortez at driver nitong si Ernesto Ponce dela Cruz.
Ayon kay CIDU chief Major Elmer Monsalve, ang suspek ay nagsilbing “spotter” nang gawin ang pananambang.
Ani Monsalve, ang suspek ang bumantay kay Cortez ng limang araw araw bago ang pagpatay.
Hindi muna naglabas ang QCPD ng dagdag na detalye tungkol sa suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen at ng spotter.
Tinambangan si Cortez at kaniyang driver sa Tandang Sora Avenue, Quezon City umaga ng July 27.(PTF team)