Advertisers
APEKTADO ang siyam na bayan sa Laguna ng sakit ng baboy na ‘African Swine Flu’ na ikinababahala ng mga alkalde at mamamayan sa nasabing lalawigan dahil marami nang mga alaga nila ang namamatay.
Ayon kay Dra. Grace Bustamante, Provincial Veterinary, kabilang sa apektadong bayan ay ang Calamba City, Los Banos , Calauan, Victoria, Pakil, Nagcarlan, Pangil, Liliw at Famy, kungsaan inaasahan pa ang paglobo ng kaso sa lalawigan.
Ang naturang sakit ng baboy ay mula sa langaw na may dalang virus kungsaan inihahalintulad ito sa coronavirus, at marami na ang mga namatay na alagang baboy sa nabanggIt na mga lugar.
Sa pagkabahala ng mga alkalde, partikular ang mga kalapit na bayan sa Laguna na apektado ng ASF, agad silang nagsagawa ng disinfect sa kanilang lugar, upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga alagang baboy.
Ikinababahala rin ng mga mamamayan na baka makabili sila ng double dead, bukod sa pagtaas ng karne ng baboy.
Namahagi ng 50 libong sisiw ng manok ang Department of Agriculture sa mga hog raiser na apektado ng ASF para pansamantalang aalagaan kapalit ng kanilang mga namatay na baboy. (Dick Garay)