Advertisers

Advertisers

6 Chinese timbog sa 1 kilo shabu

0 289

Advertisers

ARESTADO ang anim na Chinese nationals matapos maharang ng mga tauhan ng Highway Patrol Group, ISAFP at NICA palabas ng Tipo Gate habang dala ang P6.8 milyon halaga ng shabu sa Zambales.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jiang Peng, Liu Qiao Zhi, Huang Du Chen, Pingxing ,Xia, Fayong at Fan Sheng Jian, pawang nasa hustong gulang.
Sa report, sakay ang mga suspek ng isang Nissan XTrail, may plakang XTP-513, nang harangin ng mga operatiba 7:00 ng gabi ng Huwebes.
Ayon sa PNP-HPG Chief, Capt. Mark Abaja, pinatigil nila ang sasakyan dahil wala itong validating sticker, at napag-alamang walang lisensya ang driver at hindi nakasuot ng seatbelt ang mga sakay nito.
Nang inspeksyonin ang sasakyan, nadiskubre ang 1,000 gramo ng shabu.
Sa report, bukod sa iligal na droga, nakuha rin sa mga dayuhan ang isang 45 caliber pistol at 11 units ng cellphone, mga identification card, passporte, mga cash to cash transaksyon, at isang wallet.
Dinala na ang mga suspek sa tanggapan ng PDEA- NCR para sa kaukulang kaso.(Thony Arcenal)