Advertisers
SUGATAN ang apat na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang isang taon gulang na bata sa pananaga sa Sitio Pulang Lupa, Barangay Balogo, Pasacao, Camarines Sur, Huwebes ng gabi.
Sa ulat, nakainom ang suspek na nakilalang si Ronel Samlero at sinugod ang nakatatandang kapatid gamit ang itak.
Sinubukan harangin ng kanilang kaanak na si Allan Cardinal ang itak pero nahagip siya at ang pamangkin nilang isang taon gulang pa lamang.
Nadamay rin sa pananaga ang ina ng magkapatid na si Luneda.
Naisugod sa Municipal Health Unit ang mga biktima na nagtamo ng mababaw na sugat sa mukha at kamay. Agad naman silang pinauwi matapos magamot.
Agad tumakas ang salarin na nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide.
Away sa pamilya ang ugat umano ng pananaga, ayon sa awtoridad.(PTF team)