Advertisers
HINILING ng ilang mambabatas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maawa at ikonsidera na ang pagbiyahe ng iba pang mga tradisyunal na jeep.
Sa isang pulong balitaan nanawagan si House Minority Leader Benny Abante Jr. sa LTFRB na huwag na muna pahirapan ang mga tsuper na ilang buwan nang hindi nakakapamasada at wala nang makain.
Batay kasi sa polisiya ng IATF na sinusunod ng Dept of Transportation ang mga tradisyunal na jeep na roadworthy lamang ang maaaring makapamasada.
Ganito rin ang apela ni Marikina 1st Rep. Bayani Fernando.
Aniya dapat magkaroon ng patas na oportunidad ang jeepney operators at driver tulad ng prangkisa ng rail road operators.
Isinusulong naman ni Marikina 2nd Rep. Stella Quimbo na mabigyan ng subsidiya ang mga jeepney drivers.
Una naman nang isinusulong ng DOTr na mabigyan ng fuel subsidy ang mga bus at jeepney drivers.
Noong kalagitnaan naman ng Hulyo ay nakapamahagi na ang DSWD ng cash assistance sa 36,104 PUV sa pamamagitan ng GCASH habang 36,243 PUJ naman sa pamamagitan ng landbank. (Henry Padilla)