Advertisers

Advertisers

Sen. Poe pinalalantad ang mga ‘korap” na opisyal at regulators na umiipit sa mga telcos

0 263

Advertisers

HINAMON ni Senador Grace Poe ang mga telecommunications providers na pangalanan ang mga opisyal ng gobyerno at regulators na umiipit kaya nagiging mabagal ang pagproseso ng mga permit para mapabuti ang kanilang mga serbisyo.
Ayon kay Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, umaasa siya na lalantad ang mga “whistleblowers” mula sa mga telco firms na humaharang sa kanilang permit.
“Sana lumantad na ang mga whistleblower ng mga kompanya, instead na magreklamo sila na mabagal ang permit. Sabihin nila sa atin sino ba sa gobyerno ang umiipit sa kanila,” sabi ni Poe sa televised press briefing.
“Alam ko hindi magiging madali ‘yan dahil natatakot sila na baka mas lalo silang ipitin. Pero kung seryoso talaga ang ating gobyerno at ating Pangulo na mapabilis ang internet, alam kong hindi mapapabayaan ang hinaing ng ating mga kababayan na mabigyan na ng tamang serbisyo,” paliwanag ni Poe.
Naniniwala rin ang senador na hindi lamang dapat ang mga telecommunication companies ang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi maging ang mga regulator sa gobyerno at local government units na nagpapabag sa pag-iisyu ng permit para sa pagbuo ng mga cell tower.
“Sa tingin ko, maganda na alam ng Pangulo ang problema na ito na talagang kailangan natin bilisan ang internet service,” ani Poe.
“Pero sana, mabigyan din ng Pangulo ng banta ang mga regulators natin sa gobyerno at ang mga local government na wag ninyo ipitin ito dahil ito ay importante para sa kabuhayan, para sa pag-aaral ng ating mga kababayan,” dagdag ni Poe. (Mylene Alfonso)