Advertisers

Advertisers

P6.4m shabu nasabat sa Cavite; P3.4m sa Taguig City

0 318

Advertisers

NASA P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug pusher sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na sina Omair Dibaratum, 25, ng Baranay Salinas 1, Bacoor City; at Joshua Sarmiento, ng Barangay Datu Ismael, Dasmariñas City.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A, Miyerkoles ng hapon (2:45) nang isinagawa ang buy bust operation sa pagtutulungan ng PDEA Regional Special Enforcement Team IVA, PDEA NCR, PDEA Cavite Provincial Office at Dasmarinas City Police Station sa parking lot ng kilalang mall sa Brgy. Burol 1, Congressional Road, Dasmarinas City.
Ayon sa report, nabilihan ng droga poseur buyer ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkaaaresto. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang nasa 100 gramo ng shabu (P6,800,000) at buy bust money.
Samantala, nasa P3.4 million halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA ) sa tatlong drug suspects na nadakip nitong Huwebes, Hulyo 30, sa Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Amera Akmad, Shara Sinsuat at Aldin Guiali, pawang nasa hustong gulang.
Sa report, nadakip ang mga suspek sa FTI Complex, Brgy. Western Bicutan sa buy-bust operation ng operatiba ng PDEA matapos kumagat sa nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million. (Irine Gascon/Gaynor Bonilla)