Advertisers
PANSAMANTALANG isasara ng 10 araw ang Ospital ng Maynila dahil sa sunod-sunod na pagkakasakit ng mga medical frontliners sa naturang ospital.Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, isasara ang naturang ospital simula 12:01 ng July 31 hanggang Agosto 9.
Upang isailalim sa disinfection ang OSMA makaraang tumaas ang bilang ng COVID-19 patient at ma-infect ang ilang mga nurse at doktor.
Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na huwag munang magdala ng pasyente maliban na lamang kung ang sitwasyon ay buhay at kamatayan.
Habang ang mga sumasailalim sa dialysis tuloy pa din gayundin ang chemo dialysis sa OSMA.
Kabilang sa serbisyong hindi titigil sa OSMA ang tele medicine, mga laboratory test swab, serology at radiology test.
Ayon sa alklade nasa 11 frontliners ng OsMa ang naka-admit, apat ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngunit naka-home quarantine, 32 ang suspected case at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kani-kanilang bahay.
Nasa 58 naman ang naitalang mag “close contact” sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 kaya’t binigyan sila ng pagkakataon na obserbahan ang sarili at makapagpahinga sa kanilang mga bahay.
Para sa publiko, sinabi ni Domagoso na may anim pa namang ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod na maari nilang puntahan pansamantala. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)