Advertisers
NAPAPANAHON ngayon ang mga online platform dahil hindi lahat puwedeng lumabas. Isa na rito ang mga batang mahilig na maglaro at aktibo tuwing may playing activities sa labas. Sila ang unang-unang dahilan ng adbokasiya ng inilunsad na Milo Home Court digital sports learning program na kahit nasa bahay lamang ay kaya nilang maging isang propesyonal na atleta sa tulong ng mga itatalagang coaches mula sa interactive training.
Ayon kay coach Igor Mella ng Philippine Taekwondo Association, “Maaring gumaling pa ang isang batang kahit sumisipa lang sa pader dahil sa kanyang kakulitan at mabibigyan ng tamang gabay ng isang coach mula online training ng MHC ay baka mahigitan pa niya ang sipa ng mga sumasabak sa aktuwal na torneo, diyan kasi sila nagsisimulang mahasa,” aniya nang maging panauhin sa TOPS Usapang On Air kahapon sa Zoom online kahapon na binubuo ng mga editors, reporters at iba pang miyembro ng tabloid media.
Kainaman ng digital sports interactive na inilunsad ng sports drink noong nakaraang linggo ay maipagpatuloy din ng mga magulang ang paggabay kasabay ng mga natututunan ng bata sa dating sports clinic ng bagong mga kaalaman at teknik sa larangan ng palakasan na pinili ng bata kahit na tatlong beses lamang sa isang linggo ang iskedyul.
“Stay at home ang mga bata, pero mga active pa rin ang mga ‘yan at hindi puwedeng pigilan sa gusto nilang sabakan na sports,” ayon kay Lester P. Castillo, Assistant VP ng Nestle Phils-Milo.
Para sa mga magsisimula pa lamang, may 9 na sports ang kabilang sa programa, ang arnis, badminton, basketball, football, gymnastics, volleyball, taekwondo, tennis at karate.
Tinugon ng Milo ang pangangailangan ng bata upang manatiling aktibo at nakapaglalaro kahit sa loob ng bahay at malayo sa sakit. “But also instill valuable life lessons that thei kids grow into well-rounded individuals,” dagdag ni Castillo.
Kasama si 2019 SEAG gold medalist taekwondo jin Pauline Lopez bilang brand ambassador ng digital platform na ito ng Milo na itatampok sa interactive videos ng grassroots program na ito. (Danny Simon)