Advertisers
BAGO lumipat sa ABS-CBN si Alex Gonzaga ay marami siyang nagawang project sa TV5. Bukod sa teleserye at solo niyang series ay regular ding napanood si Alex sa hino-host nila noon ni Ice Mendoza na showbiz oriented talk show na “Juicy” na tumagal ng dalawang taon sa ere.
Ngayong nagbabawas pansamantala ng talent ang ABS-CBN dahil sa pagbasura nga ng kanilang prangkisa ay posibleng makabalik pa sa TV5 si Alex dahil maayos namang umalis ang actress/comedienne/vlogger sa dating TV network. Yes kilalang-kilala si Alex sa Youtube at isa siya sa TOP Youtubers sa bansa na kumikita ng milyones kada buwan pero iba pa rin ‘yung napapanood siya sa mainstream television.
Depende na lang kung existing pa ang kontrata niya sa Kapamilya network at kung papayagan ba siyang bumalik pansamantala sa TV5 na balitang palalakasin ngayong taon ang entertainment department kung saan nababagay si Alex at ito ang expertise niya ang mag-host ng talk show.
***
JC GARCIA PARATING NILILIGTAS NG DIYOS SA KAPAHAMAKAN, NAGLIWALIW SA LAKE TAHOE
Biro namin sa kaibigan naming Sanfo- based singer-dancer na si JC Garcia, marami pa siyang misyon sa mundong ito at sa tuwing may problema siya sa kanyang health ay hindi siya kinukuha ni Lord.
Noong huling executive check-up nga nito ay walang nakitang problema ang personal doctor specially sa kanyang heart. “Back at the Peninsula Sutter Hospital today for the results of Covid19 test , lungs, kidney, and my heart and blood sugar and blood pressure and cholesterol A-1C.
“I hope and pray that the result of my lab test last 2 weeks is 100% perfectly fine or else I will have to stay here starting today,” say pa ni JC. Pero recently ay gumising si JC na basang-basa ang kanyang mga mata na kanyang ikinatakot pero normal lang pala ito.
Samantala, masaya ang singer na tuwing day off sa pinamamahalaang Security Public Storage sa Daly City, California. Kamakailan lang, after na magrelax at magpahangin sa Lake Tahoe ay binisita ni JC sa Sacramento ang longtime friend na kapwa recording artist na si Gemma Franco-Smith na nakilala noong 70’s kasama ang brother na si Jojo Franco.
Post pa ni JC sa kanyang Facebook, na-enjoy niya nang husto ang masarap na dinner tulad ng lobster at steak na inihanda para sa kanya ni Gemma, Mitch, and Josh. Pinabaonan pa siya ni Gemma ng dalawa sa specialty niya sa Sweet Gem at niregaluhan pa siya nito ng Louis Vuitton cap o hat. Ikinatuwa rin ni JC na may 7 new tenants sila sa Security Public Storage at malaki ang magiging income ng kanilang company rito. – (Peter S. Ledesma)